halika’t gumawa tayo ng istoryang hindi natin pwede ikwento kahit kanino
I miss you, Yen.
Ano isasagot mo kapag tinanong ka ng ex mo kung mahal mo pa siya?
Last weekend, umakyat kami ng Mt Natib. Sobrang nakakapagod kasi may 11 ropes pa-summit tapos 6 river crossing pa-falls. Mas kaya ko sana kung hindi masama pakiramdam ko kaso nilagnat ako before and during the day 1 ng climb. Anyway, paguwi ko. As in pag uwing pag uwi, nakakaramdam na ako ng lungkot. So humiga ako saglit sa kama, naiiyak talaga ako. Naooverwhelmed ako na kinaya ko yun despite sa body condition ko. Tapos bigla kong naalala si Yen, kasi siya yung pinagkukwentuhan ko ng mga ganyang pangyayari sa buhay ko. Then nung umaga pag gising ko, naiyak ako hahahaha namimiss na kita Yen! 🥹
‘Hindi mo na tanda boses ko?’
No, I still remember your voice. Your breath over the phone. I remember every inch of you. How you speak, how you laugh, how you throw a joke. Everything. And yes, I miss you too. I was too scared to admit it kasi alam kong masaya ka na. Masaya na kayo. Pero, oo namimiss din kita.
Yung bestfriend kong pagod na pagod sa Thailand tour nila hahahahaha isang linggo na siya diyan, ewan ko kung kailan niyan balak umuwi 😂 kinwento niya na nag Mcdo daw sila tapos naisip ko itanong yung Happy Meal. Hindi daw niya pansin so chineck ko sa Grab hahahaha so at 3am, kinukulit ko siya na bilhan ako ng Happy Meal (ayaw niya kasi mafofoodwaste lang daw yung pagkain at busog na siya). Pero dahil gusto ni Andre ng chicken nuggets, napaorder tuloy sila sa Grab at may Happy Meal! Yehey hahahahaha uwi na kayo, tigil niyo na yang soul searching niyo, char! Yan, kavidcall ko sila tapos yan nakatulog na siya.
Ito pala yung sa Grab hahahaha pinatranslate ko pa sa Thai friend ko kung ano ba yang mga drinks na yan hahahahaha 199 THB yung chicken nuggets, apple slices, fries, at drinks. Ang cute lang kasi may apple slices. Buti na lang din may Thailand simcard siya so madali siyang nakakaorder sa Grab para tawagan ng rider or ng merchant.
Today, I told you that I am happy and proud where in fact, ang gusto ko lang sabihin na sana nandito ka kasama ko kung nasaan ako. Namimiss na kita Yen, namimiss kita palagi. Please do good everyday.
Here comes the day that I stop praying for you; I stop praying for us.
One of my fave sleeping photo of her (madalas ko siyang pinipicturan ng tulog)
Yesterday dapat yung 5th year namin. Binati pa din naman niya ako ng Happy Anniv hangga’t wala pa daw akong jowa hahahahaha funny pero natuwa naman ako. Hindi ako nakasagot, or ayaw ko sumagot. Pero sa totoo lang gusto ko din siyang batiin. Ito talaga gusto kong sabihin:
Tay,
Maligayang ika-limang taon sa atin. Tagalog na tagalog diba? Kasi sinasabihan mo akong conyo ako minsan. Gusto ko lang magpasalamat sa limang taon ng buhay mong ibinahagi sa akin. Maraming salamat sa lahat ng pinagsamahan nating tawanan, asaran, pikunan, awayan, at iyakan. Salamat at naging kakampi kita sa loob ng limang taon. Salamat sa pagmamahal, sa pag alaga, sa pag unawa, at sa pag pasensya. Mahal kita at gusto ko lagi kang masaya. Mahal kita at ayaw kong nahihirapan ka sa buhay. Mahal kita at ayaw kong nasasaktan ka. Mahal kita bilang ikaw, sa bawat tama at maling nagawa mo o desisyon mo, mahal pa din kita. Mag iingat ka sana palagi at magdadasal. Namimiss na kita. Hanggang sa muli.
Ukininam! Mag 2am na hindi pa din ako makatulog tapos 6am training namin hahahahaha sabog na naman ako nito mamaya 🙄
Hindi na maganda ito, tinatamad na naman ako mag training bukas hahahahahaha
Today, I sent you the longest message I never sent for the past 5 years. Pero sa hinaba haba ng message ko sa iyo, ang gusto ko lang naman talagang sabihin ay sorry at namimiss na kita.
Yung bestfriend mong mag vivideocall para i-office tour ka biglang mamamakyu pala hahahahahahaha pero inoffice tour naman niya ako ng mga 1 minute lang 😂
Utang na loob yung tunog ng lato lato parang sumpa na sa tenga ko! Tigil niyo na yan hahahahahaha




